in ,

Talent Manager Ogie Diaz Recalls The Humble Beginnings Of Liza Soberano

Dahil sa kanyang natatanging ganda at husay sa pag-arte, hindi na nakakapagtaka kung bakit napakaraming tao ang humahanga sa Kapamilya aktres na si Liza Soberano.

Kaya hindi naman maikakaila kung bakit isa siya sa mga young celebrities na mabilis sumikat.

 

 

Ngunit kabila ng kanyang mala-dyosang kagandahan ni Liza, naranasan rin pala niya ang mahirap na buhay noon.

 

 

Ipinanganak si Liza o Hope Elizabeth Soberano sa totoong buhay sa Santa Clara, California.

Loading...

Ang ama niya ay si John Castillo Soberano na tubong Pangasinan at si Jacqulyn Elizabeth Hanley, isang amerikana, ang kanyang nanay.

 

 

Napilitan siyang umuwi pa pagbalik ng Pilipinas noong siya ay 10 years old.

Ito ay matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang.

 

 

Mula noon, naging mahirap na ang buhay ng aktres bago siya tuluyan madiskubre at sumikat sa showbiz.

Loading...

 

 

Kamakailan, binalikan ng kanyang manager na si Ogie Diaz ang simpleng simula o “rags to riches” na buhay ng kanyang alaga.

 

 

Ani Ogie, mali ang pananaw ng marami na dahil half american si Liza ay maayos at maganda na ang kanyang pamumuhay.

” Akala kasi nung iba, dahil sa ganda at kinis ng kutis ni Liza ay galing siya sa mayamang pamilya. Pero hindi po. Walang-wala ang bagets noon nang makilala ko.”

 

 

Ibinunyag ni Ogie kung gaano ang kagustuhan ng batang aktres na makatulong sa kanyang pamilya nung nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Dumating pa nga sa punto na umabot na sa 500K or kahalating milyon ang pagkaka-utang ni Liza sa kanya.

 

 

“Halos umabot ng 500k, pero alalang-alala na ang mag-ama kung paanong mababayaran dahil nag-start pa lang ang kanyang career.”

 

 

Pero dahil sa potential na nakita nya kay Liza, pinili ni Ogie na tulungan ang aktres.

Malaki ang tiwala ng talent manager na ito sa kanyang alaga.

Kaya sinabihan nya si Liza na saka na lang nya intindihin ang kanyang mga pagkaka-utang kapag kumikita na ito.

At hindi nga nagmali si Ogie Diaz, matapos makakuha ng kanyang kauna-unahang tv commercial ay agad agad syang biyaran ng aktres.

 

 

“Talagang sabi ni Liza, ‘Tito Ogie, mababayaran na po namin lahat ang utang namin sa inyo. Ayoko po kasi nang may utang pa. Thank you po, ha?’”

 

 

Ngayon, isa na si Liza sa pinakasikat na aktres sa panahong ito at kabi-kabila na ang kanyang mga proyekto. Pabiro pang sabi ni Ogie:

“Baligtad na ngayon. Ako na ang mangungutang sa yo, ‘nak.”

Loading...

Written by ADMIN

Family Receives A Breathtaking Make Over For Their Tiny House

Sheryl Cruz, Sinagot Na Ang Issue Sa Biglaang Paglaki Ng Dibdib