in ,

98 Years Old Na Nanay, Lumipat Ng Home Care Para Maalagaan Ang Kanyang 80 Years Old Na Anak

May kasabihan tayo na ang pagiging magulang ay kailanman hindi natatapos. Kahit pa magkaroon ng sariling pamilya ang mga anak natin, mananatili pa rin silang espesyal sa atin kahit ano man ang mangyari.

 

 

At isang mag-ina mula sa Liverpool, United Kingdom ang nabubuhay na patunay ang pagmamahal at kalinga nila ay walang hanggan. Si Ada Keating ay 98 taong gulang at ina sa apat nyang mga anak kabilang ang kanyang 80-taong-gulang na anak na si Tom.

 

 

Siya ay maagang nabuntis, ngunit nagpatuloy pa rin sya upang maging isang rehistradong nars. Ang anaka naman nyang si Tom ay namayagpag sa kanyang career bilang isang pintor at decorator. Hindi na siya napakag-asawa at piniling manirahan kasama ang ina nyang si Ada.

 

 

Di tulad dito sa Pilipinas kung saan inaalagaan pa rin ng mga kaaanak ang mga matanda na nilang mahal sa buhay, sa bansang tulad ng Liverpool sa United Kingdom, nilalagay na sa home for the aged ang mga nakatatanda upang doon maalagaan.

Loading...

 

 

Nang maging malinaw kay Tom na hindi na niya kayang alagaan ang kanyang sarili, minabuti nyang mamalagi na lang sa isang tanggapan na nangagasiwa at nag-alalaga ng mga matatanda.

 

 

Regular naman siyang binibisita ng kanya ina na si Ada. Ngunit para kay Ada, kulang pa rin ang oras at panahon na naibibigay nya sa kanyang anak.

 

 

Kaya minabuti nya na magpalipat ng home care para lamang makasama ang 80-anyos na anak. Sa ganoong paraan, maaari silang magkasama sa lahat ng oras, at magagawa niya ang ginagawa niya sa loob ng 80 taon at ito ay ang walang kapantay na pag-aalaga sa kanyang anak.

 

 

Bakas sa mukha ng mag-ina ang labis na kaligayahan na sila ay nagkasamang muli. Dahil hind na nga siya napag-asawa, maari natin sabihin na si Tom ang pinakamalapit sa ina kahit pa apat silang magkakapatid.

Loading...

 

 

Hindi makakailang nakakainggit ang sitwasyon ng mag-ina kahit may katandaan na ang edad nila. Wala sigurong anak ang hindi papangarapin na makasama ulit ang kanilang mga magulang lalo na sa mga huling sandali na natitira sa kanilang buhay.

Wala na silang ibang ginagawa kundi ang sulitin ang bawat oras na sila ay magkasama.

 

 

Maging ang mga kasama nila sa home care ay labis na namamangha sa pagmamahalan ng mag-ina. Patunay lamang daw na walang pinipiling edad ang pagiging ina na handang ibigay at isakripisyo ang lahat para sa kanilang anak.

 

Loading...

Written by ADMIN

Man Devices A Genius Plan To Wake Up Every Morning

Ion Perez, Sinagot Ang Paratang Na Pera Lang Ang Habol Nya Kay Vice Ganda.