in

Mister Huli, Matapos Ikasal sa kabit nakipag honeymoon

Sa panahon ngayon, mas matapang na ang mga kabit kesa sa ligal na asawa. Sila ung mas nagagalit imbes na ang legal na asawa. Gaya na lamang sa isang episode sa Raffy Tulfo in Action, mas matapang pa si Kabit kesa kay Misis kung saan makikitang mas nauna pang lumakas ang boses nito.

Isang linggo pa lamang umano ang nakalipas sa kanilang kasal ay nahuli na agad ni Mona Pilapil ang kanyang mister na si Benjie Pilapil na nakikipag videocall sa kanyang workmate na babae. Nagawa pa umanong magpunta no Benjie sa babaeng ito sa kanyang luhar upang mag sleepover at iba ang kanyang intensyon.

Dahil sa nangyari at nalaman ni Mona, kinumpronta umano nito ang babae na si Sarah Ramos ngunit itinanggi ni Sarah ang paratang sa kanya ni Mona at sinabing magkatrabaho lamang sila ng kanyang mister na si Benjie. Ito din ang sinabi ni Benjie patungkol sa paratang ni Mona sa kanila.

Ngunit hindi nila alam na may hawak na ebidensya si Mona na magpapatunay na totoong may relasyon sila Benjie at Sarah. Maging ang biyanan umano ni Mona ay kinumpronta ang babae at kanyang anak dahil sa issue na magkarelasyon ang dalawa.

Loading...

At ng nakausap ni Raffy Tulfo sina Benjie at Sarah, sinabi nilang wala silang relasyon at M.U lamang sila. Sabi din ni Sarah na nagkaayos na sila ni Mona sa barangay patungkol dito.

Ayon kay Mona, kahit nagkaayos na sila tungkol dito, ay muli nanamang nahuli ni Mona sina Benjie at Sarah at dahil dito ay nakikipaghiwalay na umano si Benjie kay Mona. Di naman pumayag si Mona dahil legal silang magasawa at hindi ito ganoon kadali.

Sa mismong episode ng Raffy Tulfo, nagka sagutan sina Mona at Sarah, at hindi inaasahan ng lahat na si Sarah ang unang magtataas ng boses na dapat ay si Mona dahil siya ang tunay at legal na asawa. Si Sarah pa ang lumabas na matapang. Sabi pa nga ni Sarah kay Mona, “Kawawa ka naman, nanglilimos ka ng pagmamahal sa asawa mo. Dahil sa ginagawa mo, tingin mo babalikan kapa ng asawa mo?”

Ang tanging nasabi na lamang ni Mona kay Sarah,

Loading...

“Napakawalang kwenta mong babae, alam mong may asawa si Benjie. Alam mong kakakasal pa lamang namin ni Benjie. Una pa lamang pinagsabihan na kita Sarah. Layuan mo si Benjie. Tantanan mo si Benjie. Pero hindi ka tumigil.”

“Ang ginawa niya sir, lahat ng kababoyan ng asawa ko, kinukwento niya sa akin.. Ultimo mga babaeng nagaaya daw kay Benjie magcheck in sa hotel. Kinukwento niya sa akin.”

“Para saan? Anong dahilan? Para awayin ko ang asawa ko tapos icocomfort mo? ‘Yun ba yun Sarah?”

Bago magpakasal sina Benjie at Mona ay anim na taon silang naglive in, kaya naman naitanong ni Raffy Tulfo kay Benjie kung bakit sa tagal nilang nag live in ay ngayon pa siya nagloko kung kailang kasal na sila.

Dahil dito maraming netizens ang nagalit at nagbigay ng kanilang mga kumento dahil sa panunumbat na ginawa ni Benjie kay Mona at sa pamilya nito ngayong nagbabalak ng wakasan ni Benjie ang kanilang kasal at pagsasama.

Gusto namang sampahan ng kaso ni Mona ang kanyang dating asawa at kabit nitong si Sarah. Sinuportahan naman ito ng kanyang abogado at sinabing maaaring makulong dina Benjie at kabit nitong si Sarah.

Loading...

Written by Kim

Vice Ganda “Walang Utang Na Loob” Lihim Ni Vice Inihayag ni Leah Navarro

Jimuel Pacquiao and Heaven Peralejo quashes rumors involving money spread by Lolit Solis