in

Pagkatapos ng kuya, Ivana Alawi big time talaga isusunod ang dream house para sa kanyang ina.

Isang malaking achievement at dream come true para sa Kapamilya Actress and vlogger Ivana Alawi ang mapatayo ang kanilang dream house ng kanyang mommy Fatima Marbella.

Sa pinakabagong vlog ni Ivana, excited na pinakita ni Ivana ang desenyo ng kanilang dream house na balak ipatayo para sa kanilang mommy.

Ayon kay Ivana, ” i’m so excited kasi another achievement, another dream come true”.

Shinare pa ni Ivana sa kanyang vlog na mismong silang dalawa ni Mommy Fatima ang nagdesign ng kanilang dream house.

Loading...

Dagdag pa niya , ” kami ni Mama yung nagdesign, gusto ko maraming salamin ang bahay. ‘Tapos si Mama sabi niya, gusto niya gold at high ceiling.”

Italian at Modern ang kanilang napiling interior design sa kanilang ipapatayong dream house.

“So modern siya, but yung inside niya parang Italian na Gold. Gusto kasi ni Mama yung gold kaya puro Gold yung design niya.”

Dagdag pa ni Ivana na sobrang nagustuhan ng kanyang mommy Fatima ang location ng pagpapatayuan ng kanilang dream house.

Loading...

Kay Mommy Fatima din daw nanggaling ang idea na gawing 3 floor ang kanilang Dream House kahit na ang kanyang gusto ay 2 lamang dahil baka mahirapan daw sa pagakyat ang kanilang mommy.

Pero plano naman daw magpalagay ng elevator si Ivana sa kanilang bahay para di na daw mahirapan sa pag-akyat at baba si mommy Fatima at kanyang kapatid na si Mona.

“So, siya yung namili nitong lupa. Tapos we’re gonna start building her dream house. ‘Yung three floors siya ang namili kasi gusto ko sana two floors lang kasi nga matanda na si mommy. So, baka magpalagay din kami ng elevator kasi nga si mama.” Sabi ni Ivana sa kanyang vlog.

Personal namang pinili ni mommy Fatima ang United Interior Decor (UID) isang company na naka base sa Bahrain.

Dahilan ni mommy Fatima.,

“Magaling siya magdesign. Tapos high ceiling. Tapos yung quality hindi niya tinitipid,so yun ang importante. Yung quality ang gawa.”

Samantala naman, katas ng kanyang pagsisikap na mabigyang kasiyahan sa kanyang mga subscribers sa kangang youtube channel ang perang gagamitin ni Ivana sa pagpapatayo ng kanilang nasabing Dream House.

Matatandaang nasabi ni Ivana sa kanyang dating vlog na ang kinikita niya mula sa kanyang YouTube channel ay isinisave niya upang mapagpatayo niya ng Dream House si Mommy Fatima.

“Hindi ko pa siya ginagastos ni Piso dahil nga papatayuan ko ng Dream House si Mommy.” Kwento ni Ivana mula sa kanyang April 21 vlog.

Para sa kaalaman ng lahat, kumikita si Ivana ng 5-6 digits mula sa kanyang YouTube vlogs at nilinaw din niya na hindi siya pasok sa YouTube para kumita. Gusto lamang daw niyang makapagbigay ng saya sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng mga vlogs ng daily life at kwelang mga videos na walang halong kaartihan.

Loading...

Written by Kim

Is Julia Baretto pregnant? Jay Sonza May Rebelasyon tungkol dito

Gerald Anderson, May Makahulugang sagot tungkol sa Balitang ‘Nabuntis’ niya si Julia Baretto