in ,

Know Former Artists Who Asked Help From Other Celebrities After Losing Their Career

Ang pagiging isang artista ay hindi matatawag na permanenteng trabaho. Marami sa mga sikat noon ang bigla na lamang naglaho sa ningning.

Maraming mayaman noon ngunit kalaunan ay naghirap ng lubos. Ito ay matapos nila mawala sa industriya ng showbiz sa mga kanya-kanyang rason.

Ang mga artista ay kumikita ng limpak-limpak na pera mula sakanilang mga palabas, endorsements at iba pang mga proyekto. Higit pang kumikita ng malaking halaga ang mga sikat at bigating artista lalo na kung patok sila sa takilya.

Narito ang ilan sa mga celebrity na dating sikat at mayaman pero ngayo’y napapabalitang nasa kahirapan na.

Loading...

BB. Gandanghari

Si BB. Gandanghari o Rustom Casiño Padilla ay isang Pinoy trans. Noon, siya ay isang aktor at direktor.

Ayon sakanyang nakababatang kapatid na si Robin Padilla, siya ay isang Uber drayber ngayon sa America.

Deborah Sun

Isang sikat na aktress noong dekada ’80 si Deborah Sun. Taon 2015 nang siya ay umamin sa isang interbiyu na humaharap siya sa kahirapan ng buhay.

Tuluyan siyang nawala nang masangkot sa ilegal na gamot na permanenteng bumago sa kanyang buhay.

Loading...

Mystica

Si Mystica ay sikat na mang-aawit noong kapanahunan niya. Lumikha siya ng mga nakilalang awitin at kumikita ng P150,000 buwan-buwan.

Nagkaroon din siya ng hotel at maraming ari-arian kasama na ang sasakyan. Ngunit sa isang iglap, naglaho ang lahat na parang bula. Dahil dito, siya ay naghirap at napilitang humingi ng tulong sa kapwa niya artista.

Jake Zyrus

Jake Zyrus o mas kilala sa pangalang Charice Pempengco na sumikat hindi lamang dito sa ating bansa pati din sa international scene dahil sa kanyang talent sa pagkanta.

Siya ay nagpalit ng kasarian mula babae papuntang lalake.

Ayon sa reports, sumailalim si Jake sa mga mamahaling operasyon na siya namang dahilan ng kanyang pagkabon sa utang. Nawala na din ang mga napundar na ari-arian.

Lahat ng mga nabanggit na artista ay sumikat at naging mayaman noong panahon nila. Sa kasamaang palad, hindi ito nagtagal at napilitan silang humingi ng tulong pinansyal sa mga kapwa nila artsita.

Nawa’y maging silbi aral ito sa nakararami na dapat maging maingat sa mga gagawing desisyon sa buhay dahil hindi natin alam ang mangyayari kinalaunan.

Loading...

Written by admin

Marco Gumabao admits that he got attracted to Julia Barretto on their teenage years

KIRAY CELIS GOT BASHED BY WEARING SKIMPY SHORT ON A PHOTO