Nakakalungkot man ang sinapit ng ilan nating mga kababayan sa hagupit ng nakaraang bagyo, ganun na lamang ang kabutihan na ipinakita ni Daniel Padilla matapos mamahagi ng relief goods para sa mga nasalanta.
Kaya naman umani ng iba’t ibang papuri at pasasalamat si Daniel sa mga netizens dahil sa pagsubok na kinakaharap ng mga nasalanta nananaig pa din ang kabutihan sa kanya.
From supremo_dp’s IGS. Awww, nagpa-pack ulit sila ng relief goods. pic.twitter.com/k1zL4Zj4lH
— Bea 👑 (@imbeatriz26) November 16, 2020
Ayon sa mga litratong usap usapan sa social media, makikitang si Daniel mismo ang kumikilos at tumutulong mag mag ayos ng reliefs goods kasama ang mga kapatid pati narin ang iba pa nitong kamag anak upang mas mapabilis ang pag aayos ng mga ito.
Proud of you always, @imdanielpadilla! ❤️ pic.twitter.com/aIQWdLf24x
— ∞ (@jochendria) November 16, 2020
Sobrang nakakaantig ng damdamin ika nga ng kanyang Ina na si Karla Estrada, dahil sa kabutihan ng kanyang anak malaking tulong ang ginagawa ni Daniel para sa mga nasalanta ng bagyo.
Pinasasalamatan niya si Daniel sa pag kukusa sa pagtulong sa kapwa ganun na din ang pasasalamat nito sa mga tagahanga ng anak na nais tumulong upang mas mapabilis ang pagbibigay o paghahatid ng relief goods.
View this post on Instagram
“First batch is off to our kapamilya na sabik na kaming marating! Salamat sa buong pamilya ko na naki impake at sa mga tagahanga na pamilya narin namin! Solid to! LETS GOO!!!” ulong tulong para sa pagsulong!” Pahayag ni Karla.
November 14, nag simula ang pag do-donate ng mga fans nina Daniel at Kathryn para sa mga taong nasalanta ng bagyo.
Sa pagkakataon na ito pinatunayan na naman ni Daniela Padilla ang kabutihan ng loob sa pagtulong sa kanyang kapwa na nangangailangan ng tulong.
LOOK: Fans of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla join forces to raise cash donations and help for typhoon affected families. According to Karla Estrada, Daniel and Kathryn started buying and packing relief goods that will be sent to evacuation centers/areas severely affected. pic.twitter.com/y33BDVH177
— MJ Felipe (@mjfelipe) November 14, 2020
Kung babalikan ang panahon ng bagyong Yolanda taong 2013, isa si Daniel ang nanguna sa pag re-represinta para sa isang relief operations sa Tacloban kung saan matindi ang hagupit ng bagyo. napag alaman din na ang kanyang Ina ay dito lumaki.