in ,

Kathryn Bernardo may napili nang LEADING LADY para sa boyfriend na si Daniel Padilla

One of the most prominent at sinusundang love team sa bansa ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ang love team na nauwi sa totohanan at ngayo’y real life couple na ang dalawa for how many years.

Todo ang pagsuporta ni Teen King Daniel Padilla sa kasintahan na si Kathryn Bernardo.

Kaya ganu’n na lamang ibinabahagi ni Kathryn kay Daniel ang tagumpay na nakamit niya sa kanyang huling pelikulang “Hello, Love, Goodbye” with Kapuso actor Alden Richards.

“Ang swerte ko lang dahil meron akong napaka-supportive na boyfriend, supportive na pamilya and lahat ‘to sinabi ko sa interview, hindi ko magagawa kung hindi niya ako pinayagang gawin ito, so ‘yung oo niya malaking bagay sa akin and ngayon nangyayari lahat at lahat ng ‘to shine-share ko with DJ kasi kung anong nangyayari ngayon, ‘yun din ‘yung sa kanya, success namin ‘to pareho,”

Tinaguriang blockbuster hit ang pelikulang ito ni Kath. At isa na din sa highest grossing filipino movie of all time na umabot sa P800 Million ang kinita.

Loading...

Malaki ang pasasalamat niya sa suportang ibinigay ni Daniel. Kung hindi dahil sa boyfriend ay hindi niya magagampanan ang malaking papel niya sa pelikula. Siyempre, bilang respeto sa kanilang relasyon ay kinailangan munang maging mutual ang desisyon nila sa pagpapares sa kanya sa ibang artista.

Ito ang kauna-unahang beses na itinambal si Kathryn sa ibang leading man kaya’t hindi rin malabo na maipares si Daniel sa ibang female celebrity.

Ayon naman kay Kathryn ng matanong sya sa isang panayam sa “Sine Sandaan” event na naganap noon, may isang female celebrity ang nais niyang makatrabaho ni Daniel. Ito ay walang iba kundi ang popstar royalty na si Sarah Geronimo.

“Ako rin gusto ko maka-work si Ate Sarah. Fan ako ni Miss Sarah Geronimo. Kung magkaroon sila ng project together in the future with or without me, support na lang natin. Kasi gusto niya ‘yun and para mabigyan din tayo ng ibang opportunity. Cute naman din if ever mangyari kasi big fan ako ni ate Sarah.”

Kasama ni Kathryn ang kanyang real life sweetheart na si Daniel sa nasabing event at narito naman ang naging reaksyon ng gwapong aktor sa pahayag ni Kathryn.

Loading...

“Alam mo madali lang natin sabihin pero lahat tinatrabaho eh. Hindi naman siya basta-basta lang so ako naman tingnan natin kung sino ang magkatambal.” 

Sa kabilang banda, bukas naman si Daniel sa kahit na sinong aktres na posible niyang makatambal.

Pero, ang pinakahihintay ng kanilang mga fans ay ang muling pagtatambal ng KathNiel sa iisang pelikula.

Ayon naman kay Kathryn, malapit na umano itong mangyari. Sa ngayon ay sinusulit muna nila ang kaunting break na ibinigay sa kanila konting intay lang daw at soon balik tambalan na ang Kathniel.

“Soon, babalik na soon so ngayon tine-take lang ‘yung konting break and may gagawin si DJ para sa kanya and then balik na tayo, so KathNiels malapit na, konting intay pa,” aniya.

So there, excited narin ba kayong makita muli si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa iisang project?

 

Loading...

Written by admin

KIRAY CELIS GOT BASHED BY WEARING SKIMPY SHORT ON A PHOTO

Daniel Padilla, spotted habang personal na namamahagi ng relief goods sa mga kababayang nasalanta ni Ulysses